Saturday, April 26, 2008

you make translate this to our native tongue

Sa anumang kadahilanan ay kailangan nating i-translate ang mga sumusunod na pangungusap.
___________________________________________________________________
Ang mga sumusunod ay aking nahagilap sa peyups:
  • Ika-ilang presidente na si Gloria?
  • Binabalisawsaw ako.
  • Manong, pakitusok nga para sa akin yung fishballs.
  • Bawal ang sabit sa jeep.
  • Wag ka ngang epal, bangasan kita diyan eh!
  • Wag ka ngang makulit!
  • Batukan kita diyan e!
  • Pabili nga ng tatlong IUD, 2 betamax at apat na adidas.
__________________________________________________________________
Susubukan kong sagutin ang mga ito. Subok lang, walang personalan, wala ring aangal:

  • What.... how many.... Gloria is the ... (ay suko na ako.)
  • I am being bentdipdip.
  • Brother, please ... (naman oo, huwag na nga, magluluto na lang ako ng sarili kong fish ball).
  • Don't thick yourself, I will hit you!
  • Don't do/say things all over again! (come on, ganun din kasi ang sense nito e.)
  • I will hit you there!
  • May I buy three intestines, 2 blood and 4 chicken feet.
Wahahahaha. Sabi ko na nga ba, palpak na naman ang English ko.

Ehem, kung kayo ay may sagot dito, paki-post naman, gusto kong malaman ang mga saloobin ninyo. Haha.

1 comment:

xena14 said...

eto lang kinaya ng powers ko [kung meron man]...
What nth president is GMA?

wala lng... thanks sa comment.. atin n lng un... hehehehe^__________~

gus2 ko ung answer mo sa last! Hanep! 2 intestines, 2 blood... hahahaha

God bless!

Quote from Pursuit of Happyness: "let me tel u sumthing. im d type of person that f u ask me a question and if i dnt know d answer, i'l tel u i dnt know d answer. but i know how to find d answer and i WILL find the answer."-will smith